Ka-Troops

Malacañan

8.3.11

ang logo ng tirahan ng presidente ng pinas

Alam na alam nating mga pinoy kung saan ang opisyal na tirahan ng kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Makikita natin ito sa loob ng ating mga wallet. Andun, sa likod ng mukha ni Manuel L. Quezon. Sa likod ng beinte pesos ay matatagpuan ang MALAKANYANG.

Maraming mga kuwento kung saan nagmula ang pangalan ng palasyo. Ang isang narinig ko dati sa ay hango daw ito sa "mala-kawayan", isang terminong ginamit dahil sa materyales kung saan yari ang pinakaunang istruktura. May mga nagsasabi namang maaaring nagmula ito sa mga katagang "may lakan diyan" na ang katumbas sa ingles ay "there is a nobleman there". Ito raw kasi ay pag-mamay-ari ng isang mayamang manganagalakal na Kastila bago naging tirahan ng pinakamataas at pinakamakapangyarihang tao ng ating bansa. Maaari din daw itong nagsimula sa salitang "mamalakaya" na ginagamit upang tukuyin ang mga mangingisdang naglalatag ng kanilang huli sa baybay na ngayo'y kinakatayuan ng palasyo.

Tayo ay napailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila sa loob ng ilang daang taon kaya maraming naniniwalang ang pinagmulan ng pangalan ng palasyo ay sa kanila. May isang lugar sa Timog Espanya na ang pangalan ay Malascañas kung saan malapit rin sa isang ilog na maraming kawayan sa paligid. Ang mga salitang "malas cañas" naman ay nangangahulugang "bad bamboo" na maihahalintulad sa mga kawayan sa gilid ng ilog na hindi matibay dahil nababasa ng tubig.

Ang salitang Malacañang ay tagalog daw ayon sa mga karamihan dahil ang mga Kastila ay hindi kadalasang gumagamit ng "ng" sa huli ng kanilang mga salita. Malacañan ang naging Spanish name nito na ginamit rin noong American occupation mula 1898 hanggang 1946 (sa ngayon ay ito pa rin ang official English name na ginagamit).

Pero teka, ano ba talaga ang tama, Malacañang o Malacañan? Hindi ka ba naguguluhan sa hindi naman obvious na ginayang logo ng White House natin?

Hindi kailangang malito. Napagpustahan na namin ito ng kumpare ko sa inuman at heto na ang kasagutan. Sa administrasyon ng yumaong Tita Cory, ipinag-utos ang pagkakaroon ng distinction sa paggamit ng dalawang pangalan. Ang Malacañan Palace ay tutukoy sa official residence ng presidente habang ang Malacañang ay tutukoy naman sa "Office of the President of the Philippines". Sa mga official documents na ginagamit sa loob ng palasyo, ang lahat ng mga nanggagaling sa pangulo ay may header na ang spelling ay walang letter "g" habang ang galing naman sa mga nasasakupan ay meron.



1 comments:

Unknown said...

so ano talaga sagot?

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...