Ang palayaw ng aking paboritong pinsan ay BADDS. Hindi ito hango sa Color Me Badd na sumikat noong mga panahon namin kundi galing sa kantang "Ang Boyfriend Kong Baduy" ng Cinderella. Oo, Baduy ang sinauna niyang palayaw. Nang nagbinata na kami at nagtayo ng banda, siyempre kailangang mag-evolve ng nickname para sa mga chicks.
May patawang kumalat noong nasa elementary pa ako. Bakit daw tinawag na elepante ang elepante? Ang paksyet na sagot: DAHIL MUKHA SIYANG ELEPANTE!!
Tinanong ko minsan si ermats kung saan nakuha ang pangalan kong JAYSON. Ang sagot niya sa akin ay galing daw ito sa pinaghalong JAI-alai (kubrador kasi nito si erpats noong nagsisimula pa lang sila ni mama) at SON (dahil ako ang unang anak na lalaki). Hmmmm….Medyo kapani-paniwala pero may mas nagustuhan akong isang version na kuwento ni papa. Ang sabi niya nagmula daw ang pangalan ko sa 1963 Film na "Jason and the Argonauts" na ibinase naman sa isa sa mga kuwento sa paborito kong Greek Mythology, ang "Jason and the Golden Fleece". Nang malaman ko ito, isa lang ang tanong ko…"Bakit may letter Y ang pangalan ko; na-wrong spelling tuloy?!". At doon ko nalaman na kasalan pala ng lintek na nurse na kasama sa nagpaanak kay inay kung bakit naging six letters ang first name ko.
Marami tayong mga salita na hiram lamang. Akala natin ay sarili natin ang mga pangalan ng mga bagay-bagay na madalas nating makita - bintana, lamesa, kuwarto at kung anu-ano pa. Hindi ko nga rin akalain na ang salitang "suot" ay hiniram lang natin sa salitang "suit" na kung bigkasin ay "syut" kapag itinatambal na sa salitang "bathing". Akala ko rin dati ay sarili natin ang salitang "garalgal" ngunit ito pala ay pinantukoy nating mga pinoy sa tunog ng mumog o "gargle". Kapag may ginigilitan ng patalim ang mga holdaper sa eskinita, isipin mo nalang ang mga salitang "gillete" at "guillotine".
Ang lahat ng salita (o mga pangngalan at mga pangalan) ay may natatanging kasaysayan. Cross my heart and hope to dye!
Taena, alam mo naman sigurong hindi kamag-anak nila Batman, Aquaman, at Superman si PEKSMAN. Sino nga ba siya? Potah, 'di alam ng karamihan ng bata kung bakit kailangang banggitin sa huli ng pangungusap ang salitang ito kung gustong paniwalaan ng pinagsasabihan. Sige sasabihin ko na - ito ay nag-ugat sa pag-uusap ng isang Kano at Noypi. Isang araw ay nagyabang si puti at ayaw siyang paniwalaan kaya hayun, ang nasambit nalamang niya ay "All I'm telling are based on FACTS, MAN. Facts, man!!". At dahil baluktot ang dila natin, the rest is history.
Minsan natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit "HIGH FIVE" ang tawag sa "APIR" nating mga pinoy? Kung gusto mong malaman ang kasagutan ay itaas ang isang kamay at sabihan ang isang kakilala ng "UP HERE" na kasimbilis ng pagbikas ng "KISS SABAY HUG". Mwah!!
Nangangati lang ang isipan kong wala namang laman. Naisipan kong dito nalang ilabas kaysa sa puwet dahil baka maging tae lang ang mga ito at mai-flush sa inidoro.