31.3.11
Wala na yatang bandang Pinoy ngayon ang hindi pinangarap na maging katulad ng ERASERHEADS. Kahit na ilang taon nang naghiwa-hiwalay ng landas sila Ely, Raimund, Marcus, at Buddy ay hindi pa rin nawawala sa atin ang legacy na kanilang iniwan sa larangan ng musika. Gustung-gusto pa rin nating nakikikanta sa kanila kapag naririnig sa radyo ang mga hit songs nilang "Pare Ko", "Ang Huling El Bimbo", "Alapaap", at marami pang iba.
1989 nang mag-post si Ely sa university message board ng isang audition notice dahil nagiging malabo ang kanyang mga naunang bandang "Bluidie Tryste" at "Sunday School". Ang mga members lang ng bandang "Curfew" na sila Raimund, Marcus, at Buddy lang ang pumunta para dito. Nang magsanib silang apat ay tinawag nilang "Eraserheads" ang kanilang grupo. Ito ay galing sa isang title ng pelikula ni David Lynch na nabasa nila sa isang magazine, ang "Eraserhead".
Ang totoo, ibinase nila ang pangalan ng kanilang grupo sa isang pelikulang wala man lang sa kanila ang nakapanood!
RELATED STORIES:
0 comments:
Post a Comment