Ka-Troops

Yo-Yo

17.3.11


Ayon sa ilang mga matatanda, ang yo-yo ay isang laruan na nagmula sa isang sandatang ginamit ng ating mga ninuno sa pangangaso at pakikipagdigma. Ikinakabit ng mga sinaunang pinoy ang isang bato sa isang taling may haba ng mga dalawampung talampakan upang puwede itong hatakin pabalik kapag nagmintis sa tina-target. May mga talang nagpapatunay na ginawa ito as early as 16th Century sa panghuhuli ng mga hayop pero ang paniniwalang ginamit ito bilang sa pakikipaglaban ay wala pang basehan.

Hindi sa atin nagmula ang bagay na ito dahil ang pinakamatandang yoyong naitala ay nagmula pa noong 500 B.C. Ganun pa man, sigurado naman tayo na ang pangalan nito ngayon ay galing sa ating bansa!

Ang salitang "yóyo", ayon sa Webster's Collegiate Dictionary, ay Ilokano ang pinagmulan. sabi naman ng iba, ito raw ay isang salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay "balik-balik". 

Pinasikat ito ni PEDRO FLORES, isang immigrant  noong 1920's sa California, USA, na nagtrabaho bilang isang bellhop sa Santa Monica Hotel. Napansin niyang pinagkakaguluhan siya ng mga usisero tuwing naglalaro siya ng baon niyang laruan sa kanyang breaktime kaya naisipan niyang gumawa nito at ibenta. Pinangalanan niya itong "yo-yo". Ang kanyang mini-business na nagsimula sa isang dosenang handmade na laruan ay lumago hanggang sa magkaroon siya ng tatlong pabrika na may 600 na workers.

At dahil sa okay ang kita, parang nauto siya Donald Duncan na ibenta ang rights nito. 1932, ang Flores Yo-Yo Corporation ay nabili ng Duncan Toys Company

Sayang! Sa atin na nga, napunta pa sa ibang paksyet!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...