3.5.11
Isa sa mga paboritong salitang-kanto nating mga Pinoy ay ang "EPAL". Maraming ibig sabihin ang salitang ito at ang implikasyon kapag tinawag kang isang epal ay kadalasang negatibo. Ayon sa isa sa mga pinakainiidolo kong blogs, ang salitang ito ay may ganireng kasaysayan:
Malalim ang pinaghugutan ng salitang "Epal". Magmula sa salitang "Mapapel" na tumutukoy sa taong nagpapapansin o nagmamarunong, o sa taong sumasagot ng hindi naman tinatanong, binaliktad ng mga Jeproks ang salitang "Mapapel" nung 70's dahil yun yung uso nun, at naging "Mapepal". Sa pagtagal ay nawala ang unang "p" at naging "Maepal". At nung nauso naman ang pagpapaiksi ng mga salita nung 90's ay inampon na ng mga Pilipino ang salitang "Epal" sa pang araw-araw na buhay.
Nabilib ka ba? Ang galing talaga ng "=== MgaEpal.com ===". Punta ka na sa site nila para makatikim ng araw-araw na panandaliang aliw!